Ang
pelikulang “Every Child is Special” ay tungkol sa isang batang may edad na
walong taong gulang na nagngangalang Ishaan Awasthi na may sakit na dyslexia. Ang dyslexia ay
isang sakit kung saan nahihirapang magsulat ng mga lengguahe, lalong lalo na ang
magbasa ng mga latra. Kahit ganun pa naman ang kanyang karamdaman may mga talento
syang hindi taglay ng mga ibang bata katulad
ng malikhain pag pinta gamit ng kanyang
imahinasyon. Dahil sa kanyang mga maling bagay na ginawa, hindi
napagtu-unan ang kanyang special ng pangangailangan. Sa kadahilanang iyon
nagpasya ang kanyang ama na ipasok sya sa isang paaralang panlalake kung saan
kailangan niyang matutong maging independent kahit na mahirap sa kalooban ng
kanyang ina at mapalayo sa isat-isa sa mura niyang edad. Wala silang magawa sa
desisyong ginawa ng kanyang ama. Sa paaralang panlalake kung saan siya iniwan
nagbago ang kanyang pag uugali, ayaw niyang makipag halubilo sa ibang mga
studyante at tinalikuran nya na rin ang kanyang abilidad sa pag guhit. Pakiramdam
nya walang may gusto at nagmamahal sa kanya kaya siya iniwan doon sa kanyang
bagong paaralan. Nahihirapan siyang mag adjust sa kanyang bagong kapaligiran.
Sa kanilang Art Class nagkaroon sila ng
bagong guro (Ram Shankar Nikumbh), ang unang ginawa ng guro para
ipakilala ang kanyang sarili ay nagsagawa siya ng awit at sayaw para makuha ang
atensyon, maingganyo at mapukaw ang interest ng mga studyante kung saan ay
nagtagumpay siya ngunit habang kumakanta at sumasayaw siya si Ishaan Awashti ay
tahimik na nakaupo lamang sa kanyang upuan.
Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala, binigyan sila ng bagong guro ng
isang bond paper para e-drawing ang gusto nilang e-drawing. Habang naglilibot
ang guro napukaw ang kanyang atensyon kay Ishaan na hindi man lamang ginalaw
ang kanyang art materials na kung saan ang kanyang mga kaklase ay tapos na. Sa
pagpukaw ng kanyang atemsyon tiningnan nya ang mga record ni Ishaan sa guidance
office, pagkatapos niyang tingnan naging interesado siya sa buhay ni Ishaan at
nagdesisyong bumisita sa mga magulang ni Ishaan.
Binisita
ni Mr. Ram ang principal ng nasabing paaralan para humingi ng permiso na maging
tutor si Ishaan. Tinulungan nya itong
e’improve ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng kanyang
pamamaraan hanggang sa nagkaroon ng improvement. Si Mr. Ram ay nag organize ng
isang art fair para sa mga studyante at guro. Sa araw ng kompetisyon maagang
nagising at umalis si Ishaan at bumalik ng nagsisimula n gang kompetisyon.
Masaya ang lahat ng kasali sa kompetisyon at dahil si Ishaan ang nanalo ang
kanyang painting ang nagsilbing front cover ng kanilang school yearbook habang
ang mukha ni Ishaan na painting ni Mr. Ram ang naging back cover. Proud na
proud ang kanyang mga magulang lalong- lalo na nang sabihin ng kanyang mga guro
kung gaano ka talino at talentado ang kanilang anak. Nang pasakay na sa
sasakyan si Ishaan para umuwi kasama ang kanyang mga magulang upang umuwi,
napalingon ito sa kinatatayuan ni mr. Ram. Nagtapos ang storya sa pagbuhat ni
mr. Ram kay Ishaan sa ere.