Miyerkules, Marso 19, 2014

Every Child is Special (Tagalog)



          Ang pelikulang “Every Child is Special” ay tungkol sa isang batang may edad na walong taong gulang na nagngangalang Ishaan Awasthi na may sakit na dyslexia. Ang dyslexia ay isang sakit kung saan nahihirapang magsulat ng mga lengguahe, lalong lalo na ang magbasa ng mga latra. Kahit ganun pa naman ang kanyang karamdaman may mga talento syang hindi taglay ng mga ibang bata katulad  ng malikhain pag pinta gamit ng kanyang  imahinasyon. Dahil sa kanyang mga maling bagay na ginawa, hindi napagtu-unan ang kanyang special ng pangangailangan. Sa kadahilanang iyon nagpasya ang kanyang ama na ipasok sya sa isang paaralang panlalake kung saan kailangan niyang matutong maging independent kahit na mahirap sa kalooban ng kanyang ina at mapalayo sa isat-isa sa mura niyang edad. Wala silang magawa sa desisyong ginawa ng kanyang ama. Sa paaralang panlalake kung saan siya iniwan nagbago ang kanyang pag uugali, ayaw niyang makipag halubilo sa ibang mga studyante at tinalikuran nya na rin ang kanyang abilidad sa pag guhit. Pakiramdam nya walang may gusto at nagmamahal sa kanya kaya siya iniwan doon sa kanyang bagong paaralan. Nahihirapan siyang mag adjust sa kanyang bagong kapaligiran.

Sa kanilang Art Class nagkaroon sila ng bagong guro (Ram Shankar Nikumbh), ang unang ginawa ng guro para ipakilala ang kanyang sarili ay nagsagawa siya ng awit at sayaw para makuha ang atensyon, maingganyo at mapukaw ang interest ng mga studyante kung saan ay nagtagumpay siya ngunit habang kumakanta at sumasayaw siya si Ishaan Awashti ay tahimik na nakaupo lamang sa kanyang upuan.  Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala, binigyan sila ng bagong guro ng isang bond paper para e-drawing ang gusto nilang e-drawing. Habang naglilibot ang guro napukaw ang kanyang atensyon kay Ishaan na hindi man lamang ginalaw ang kanyang art materials na kung saan ang kanyang mga kaklase ay tapos na. Sa pagpukaw ng kanyang atemsyon tiningnan nya ang mga record ni Ishaan sa guidance office, pagkatapos niyang tingnan naging interesado siya sa buhay ni Ishaan at nagdesisyong bumisita sa mga magulang ni Ishaan.

        Binisita ni Mr. Ram ang principal ng nasabing paaralan para humingi ng permiso na maging tutor si Ishaan.  Tinulungan nya itong e’improve ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng kanyang pamamaraan hanggang sa nagkaroon ng improvement. Si Mr. Ram ay nag organize ng isang art fair para sa mga studyante at guro. Sa araw ng kompetisyon maagang nagising at umalis si Ishaan at bumalik ng nagsisimula n gang kompetisyon. Masaya ang lahat ng kasali sa kompetisyon at dahil si Ishaan ang nanalo ang kanyang painting ang nagsilbing front cover ng kanilang school yearbook habang ang mukha ni Ishaan na painting ni Mr. Ram ang naging back cover. Proud na proud ang kanyang mga magulang lalong- lalo na nang sabihin ng kanyang mga guro kung gaano ka talino at talentado ang kanilang anak. Nang pasakay na sa sasakyan si Ishaan para umuwi kasama ang kanyang mga magulang upang umuwi, napalingon ito sa kinatatayuan ni mr. Ram.  Nagtapos ang storya sa pagbuhat ni mr. Ram kay Ishaan sa ere.

8 komento:

  1. Mahusay!! Malinaw ang pagkakasunod sunod ng kwento bilang buod, Higit na nakatulong ito sa aking pagsusuri sa pelikulang ito.
    Salamat po..

    TumugonBurahin
  2. salamat sa mensahi ng kwento , mas pinadali ko siyang na intindihan , god bless

    TumugonBurahin
  3. Ito po ba ay Teoryang Pampanitikan? Ask ko lang po

    TumugonBurahin
  4. Thank you for this mas naintindihan ko ito

    TumugonBurahin